Tuesday, November 9, 2010

"Mam and Sir, Merry Christmas po. Salamat po!"

Kay sarap pagmasdan ang mga bata na ngumiti sa Pasko man o hindi.


Maliit lang jeep na nasakyan namin. Mga siyam na tao nga lang ang kasyang umupo sa isang hilera ng upuan. Kung susumahin, ang jeep ay malalamanan ng benteng pasahero at idagdag mo pa ang drayber ng jeep na hindi marunong gumamit ng preno

Isang malamig na gabi ang paskong iyon. Patungo kami ng aking ina sa bahay ng aming mga kamag-anak sa ama. Nararamadaman kong may kakaiba sa gabing iyon. Bago sumakay ng jeep, alam kong inaantok ako. Ngunit sa pagsakay sa jeep na iyon, nawala ang aking antok. Siguro dahil sa kaba. Puro kasi lalake ang nakasakay at apat lang kaming babae ang nakasakay.

Makalipas ang ilang minuto ng pag-andar ng jeep, tumigil ito at hinayaang makasakay ang isang maliit na paslit. Napatingin ako sa kanya dahil may mga sobre siyang inaabot sa mga pasahero. Nakasulat sa likod ng kanyang sobre ang “Mam and Sir Merry Christmas po, Slamat po!” Nakangiti siya at bibong bibong namimigay ng sobre at bumabati ng Merry Christmas.

Kakaiba ito sa aking paningin. Nasanay kasi na sa mga ganitong panahon, isang bata ang aakyat ng jeep at pupunasan ang mga sapatos ng mga pasahero. Kahit pa nga nakatsinelas o sandals lang, pupunasan pa rin niya ito na parang leather shoes. Nasanay na rin ako sa bus sa EDSA na may mga matanda, bata, binata o dalaga, ulila, may kapansanan o nanlilimos na nag-aabot ng sobre upang humingi ng kaunting tulong. Sa batang ito, iba ang aking nasaksihan.

Nang lumapit siya sa akin, daglian kong tinanong ang kanyang edad. Nagulat kami ng aking ina na siya ay anim na taon na. Kung makita mo kasi siya, parang dalawa o tatlong taon lang siya. Kasing laki niya nga lang ang aking pinsan na dalawang taon na. Payat din ang batang ito ngunit muka naman siyang malinis. Sa paningin ng tao, malinis siya. Isang bibong batang napapaliguan at naturuan ngunit kulang na kulang sa pagkain at nutrisyon. Makikita ng sinuman na dudungaw sa kanyang mga mata na marami na itong napagdaanan sa buhay niya sa Cubao. Mas marami pa sa mga nasaksihan ng aking mata sa mahabang kalye na iyon ng Aurora Cubao.

Naantig ang aking puso habang kinakanta niya ang isang partikular na Christmas song. Hindi ko na nga maaalala ang title ng kanta. Ang alam ko lang eto ang lyrics ng kinanta niya- “… sa twing sasapit ang pasko, namimili ang mama ko ng mga panregalo…” Kinulit niya pa ang isang lalaki na nakaupo sa pinakadulo ng upuan. Hindi ko masyadong naintindihan ang pinag-usapan nila dahil maingay at mabilis ang jeep. Basta ang aking napansin, nakangiti lang ang manong sa kanya ngunit mamumutawi ang awa sa bata mula sa kanyang mga mata.

Matapos siyang makipagkulitan sa isang pasahero, paisa-isa na niyang kinuha ang mga sobre at mga pamasko sa kanya. Inilabas niya ang bote kung saan niya ilalagay ang mga piso na magkakasya sa butas at mga papel na pera na baka sakaling matanggap niya. Isa-isa niyang hinulog ang mga pisong nakuha niya sa loob ng mineral bottle habang inaayos niya ang kanyang mga sobre. Nagulat siya sa dalawampung pisong papel na inabot sa kanya. Nakita ko na sobra siyang nasiyahan at nagpasalamat sa perang kanyang nakuha.

Dahan-dahang tumigil ang jeep sa kanyang pagbaba. Natuwa at naawa ang mga pasahero sa anim na taong gulang na bata na namamasko sa jeep na kanilang nasakyan. Inalalayan nila ang bata sa pagbaba. Nagulat at nainis sila nang makitang may kasama itong mama na tila ama niya. Sinasamahan ba siya nito o hinahayaan niyang magtrabaho at kawaan ang anak niya. Mag-ama nga kaya ang dalawang iyon?

Naisip ko na lang, ilang jeep pa kaya ang sasakyan niya. Ilang tao pa kaya ang hahawak sa sobre niyang may nakasulat na “Mam and Sir Merry Christmas po, Salamat po!”
(originally posted in http://jenniferabogadogarcia.blog.friendster.com/2009/03/%E2%80%9Cmam-and-sir-merry-christmas-po-salamat-po%E2%80%9D-2/)


Hango ito sa tunay na pangyayari sa aking buhay sa disperas ng pasko ng 2008. Nais kong ibahagi ito sa inyo at masulyapan ang isang mumunting dadamin sa pagbubukas ng pasko.



MERRY CHRISTMAS kahit November pa lang.hehe

Sunday, October 31, 2010

si ineng sa kasilyas

sa loob ng kasilyas, ikaw lamang at ang ang apat nitong dingding ang nakakaalam.
papalapit na siya
matipuno ang tindig
awra'y nakaaaya
ako'y napa-iibig

diwa nga ay nagsalsal
sa tuwing magsarili
gawain n'ya sa kural
sinong magkapagsabi?

mapangakit na libog
nakatitig at mahalay
babaeng maalindog
pumapawi sa lumbay

isipa'y nanaghoy

habang sya'y naka-upo
palikurang maamoy
ano ang sinusugpo?

sinong nakakaalam
kundi apat na dingding
sa kwentong malinamnam
sila ang magdadaing

ang lihim ng kasilyas
sa kanya ay panimdim
itinatagong lihim
sa'yo, ito ay hiyas

Thursday, October 28, 2010

V: Bella

Siguro nga'y epekto'y naging malaki
Mga tinuro'y sadyang hindi kukupas
Kahit na sabihin pang wala nang paki
Mga nakasanayan ay di lilipas

Sa akin ngang pagpikit upang mag-isip
Kung tama ba o mali aking gagawin
Mapag-alalang mukha ay masisilip
Maari mong sabihin ang didinggin

Itong mga plano na isasagawa
Isang pikit lang ay aalalahanin
Kung paano mo saguti't isagawa
Ang pagtahak sa ilog na babaybayin

Siguro'y kahit pano ika'y natatak
Sa utak at pusong nabasag, nasawi
Magpapatuloy ng may lakas at  batak
Kahit ano pang unos di mahahawi

VII: Na Naman

paulit ulit
tila makatotohanan
lalakbayin mo ang oras
na pagkahaba haba ngunit
ang makatotohanan
isang oras ka lamang naidlip

muli't muling
magpapakatotoo nga ba?
mararamdaman mong muli
ang sarap at pagkatanggap
masakit, tila totoo
ang kahibangan galak
tangan ng magulong panaginip

IV: Pulubi't Awa

Nanlilimos lang ng pagtingin at oras
Sa pagsinta ng sinisintang nalaos
Sana'y di naglaon pag-irog na wagas
Pag-ibig niyang sana'y hindi natapos

Kung sa bawat oras n'yang aking hihingin
Saglit lamang at pilitang ninanakaw
Dinarasal kong sana'y man lamang dinggin
Muli kami ay sa pag-ibig magsayaw

Muli sana'y dating kami'y manumbalik
Sa pag-ibig kong matinding naghahangad
Na maulit muli kanyang mga halik
At pagmamahal nya'y maulit, lumantad

III: Pagsilip

Mula sa 'sang masarap na pagkahimbing
Mamulat sa 'sang pamilyar na umaga
Naliligiran ng pamilyar na dingding
Paggising sa isang pamilyar na uga

Halimuyak ng yosi ang naaamoy
Sa umagang iyo nang nakasanayan
Mga takatak sa keyboard, tuloy tuloy
Mga daliring malaya sa tulaan

Sa'yong noo'y may matamis na halik
Pagkakataong akala'y 'di na maulit
Sinong mag-aakalang ito'y babalik
Maaari bang ito'y aking masulit

Kay sarap na muli't muling mahahagkan
Ng mga bisig na tangan ay ligaya
Ng 'sang pag-iirog na s'yang nananahan
Sa dalawang puso't diwang nagsasaya

Habang nagpapakabusog sa agahan
Na inihanda ng may pag-aalaga
Mahinahong suliti't ika'y manahan
Sa sandaling minsan, sana'y mag-aruga

Mula sa pamilyar na umagang matamis
Pagdilim ng langit ay muling susuklob
Sa pag-ibig na kagulat na kay bilis
Nagkatotoo nga ang pusong may kutob

Sa 'sang panaginip muling nakasilay
Pag-gising mo'y narito na't may paghalik
Mamulat sa pangarap, muling mapilay
Sa kahapong kailanmay 'di na babalik

Akala'y paggising ay katotohanan
Kay ganda ng panaginip na may buhay
Sana ay hindi na muli pang nilisan
Sa aking reyalidad na lang humalay

Paulit ulit ikaw nga'y mabubuhay
Sa panaginip na inaasam asam
Muli't muli ka rin namang mamatay
Sa katotohanang di naman manamnam

Wednesday, October 27, 2010

II: Tulala

Habang ang diwa'y malayong naglalakbay
Sa masukal na kalungkutan ng pusong
Piniling manahan sa casa de lumbay
Sarili ay pagdadamutan ng tulong

Mananahimik at luluha na lamang
Doon sa marumi at madilim na sulok
Maghihintay habang tulala sa parang
Nagninilay sa sakit na di maarok

Nagtataka sa sinapit ng inibig
Ng pag-ibig na nabulag  ng pangarap
Kasinungalingang humalik sa bibig
Bumuo ng sariling mundo sa sarap

Diwa'y ngangata lamang ng mga tula
Pusong nasadlak ang pag-aalayan
Pusong tuluyang namanhid at tulala
Diwa'y hihintayin sa anumang tangan

I: Tigang

Ayan, wala man lang akong maisulat
Puso'y wala man lamang maisiwalat
Itong kaulungkutan na tanging nagbuhat
Hapdi at katigangan na bumabanat

Iyong puso'y muling masanay turuan
Na maging manhid sa iyong kalumbayan
Maging malakas sa mga kasawian
Magpakatatag, matibay, manindigan

Tapusin na ang iyong pangungulila
Sa pusong sa iyo ay nagkasala
Tumigil, manawa sa'yong pagtulala
Bulag na paghiling sa'yong mga tala

Hayaan na maging manhid, isang bato
Sa mga potang emosyong magtatato
Ng kasawian ikaw nga ay matuto
Ito'y palaging sa sarili'y ikwento

Friday, October 8, 2010

pagbabalik mo

Unos sa pusong may pag-aagam agam.

Pagtibok nitong puso 'y kay bilis naman
Kay daming kwento, iilan ang tagpuan
Kaylan nga, mata mo'y huling nasilayan
Balisa na muling ikaw'y mahagkan


Pagkagulat ng mga matang gulat.

Iyong mukha sana'y di pa nagbabago
Upang sinanay na haplos, di mabigo
Tinig kaya saki'y muling magtatago
Sana'y muling umalingawngaw, mang-gago


Tunog ng pusong natakot, naduwag.

Sa'yong dibdib na minsang pinagnasaan
Puso mo't pagtibok aking pinakinggan
Tayong dalawa pala'y nagkaduwagan
Muli nating pagyakap, pagbabalikan


Tahimik na ang pusong nagambala

Bawat tibok tuluyang nang lumalaya
Sa agam agam, takot, at pandaraya
Sa pag-iirog at nasang nahihiya
Sumanib na ang tibok sa ating saya

Monday, October 4, 2010

Naglilibog Na Apoy

Pagsasayaw niya'y tunay na maalindog
Diwa'y talaga namang libog na libog
Sa babaeng mainit ang paghahandog
Ng pang-aakit ng mahinog na hubog

Aking pagnanasa'y kinamumuhian
Pang-aangking aking pinagnasaan
Kahit batid na ito ay kasawian
Pag-aasam sayo'y pinanggigilan

Sa pagmamasid ako ang 'yong isipin
Malasawang diwa iyo nang paliparin
Kanyang titig ay huwag mo nang sisirin
Sa akin ibuhos ang 'yong pag-aangkin

Iyong pagtitig sa kanya'y pano kaya?
Titig niyang sa titig mo'y di makalaya
Mahaplos lang s'ya, itaya kahit barya
Pagseselos kong galit na ang nagyaya

Sa mga damdamin di ka natitigang
Puso mo nga'y  nilubos ang kagalakan
Sa alindog na iyong nais makamtan
Pangbubuyo'y walang pag-aalinlangan

Nakaaawa 'tong nagninilay nilay
Puot at pag-iirog na hinahalay
Ng paglilibog na siyang bumubuhay
Sa pagngata ng tulang sa'yo ay alay

May pagngangalit sa iyong pagnanasa
Sa alindog na iyong tinatamasa
Libido mong hindi mabigyan ng lasa
Sa muli mong pagbalik 'di na aasa

Sayaw n'ya para sayo ay maalindog
Diwa'y sinindihan ng matinding libog
Ng babaeng mainit na naghahandog
Nang-akit gamit ang mahinog na hubog

Saturday, October 2, 2010

Nag-aapoy Na Libog

Apoy ang kanyang alindog. Sa iyo ay nakapang-aakit at nakabubuhay. Sa akin ay nagpapamuhi at nakakamatay.
Nagsasayaw siya sa iyong harapan. Inaakit ka ng bawat kembot at unti unti kang hinahatak ng kanyang alindog. Libog na libog ang iyong diwa sa mga bagay na maari mong sabihin sa kanya. Ang tulad mo ay walang sasabihin malaswa o pambobola ngunit mahahalina ang babae na siya pang gagawa ng paraan para makasama ka sa nag-iinit na kama kahit sa isang gabi lamang.

Nandirito akong walang kapag-a-pag-asa sa aking pagnanasa sa pang-aangkin sa iyo. Iniisip kung paano mo pinapanood ang mainit na paglalaro at pagsasayaw ng isang imahe ng babaeng nakatitig sa iyong pag-titig. Hindi ka na akin at batid kong hindi ka na magiging akin. Kaawa awa ako sa aking sarili dahil alam kong wala akong kahit gasinong karapatang mamuhi sa babaeng hindi ko alam kung paano ka sinasayawan at hinahatak sa pagkalibog.

Sinabi ko sa iyo na ako ang iyong isipin habang ikaw ay lumilipad sa iyong malaswang pangangarap. Ngunit sinagot mo akong hindi mo kinakaya ang alindog na bumabalot sa babaeng hindi ko man lamang maipinta ang mukha. Tanging kurba ng kanyang katawan, nakakalibog na pag-giling sa apoy, at nakapag nanasang two piece ang nabubuhay sa aking imahenasyon at wala sa lugar na pagseselos ng aking puso.

Paano mo kaya siya tinititigan? Iniisip ko ang pagkakaiba ng iyong pagtitig sa akin nung mga panahong ako lang ang sinisinta ng iyong pagsinta at ng iyong pagtitig sa alindog ng haliparot na nagsasayaw sa apoy. Iniisip ko kung paanong nagagawa ng iyong mga mata na haplusin ang kanyang baywang, suso, binti at ang buong katawan ngunit sa iyong pagbabalik, ang mga kamay mo'y hahagod sa aking pagkababae.

Hindi ka natitigang sa kahit na anong damdamin. Puso mo'y lubos na nagagalak sa anumang apo'y na lalaruin at anumang libog na papaikutin sa kamay. Mga ninanasa mo'y walang pag-aalinlangang makakamtan sapagkat kagalingan ng iyong pag-iisip ang umiiral, tamis at pait ng iyong mga katagang inuutal ang nagpapaanod sa lagaslas ng damdamin at libog, at higit sa lahat ay ang awra mong nagsasabi sa kahit na sinong babae na sila ay ligtas sa iyong piling, na sila ay nirerespeto at mamahalin sa sandaling ang iyong mga kamay ay humaplos sa nag-iinit na balat.

Sino ang nakakaawa sa pagitan ng dalawang natigang na mga puso?

Ang babaeng nag-ninilay nilay sa pagkapuot sa imahe ng babaeng nag-aalab sa alindog. Ang babaeng nagngangalit ang damdamin sa pagkarehas mula sa iyong mundog ninanais na muling mabisita. Ang babaeng nagmamahal sa lalaking wala nang nababatid na pagmamahal sa dating minsang pinag-alayan ng mga tula at pag-iirog.

O ang lalakeng nagnanasa sa babaeng mananayaw sa apoy na may kakaibang libog na tangan sa kanyang pagsasayaw.  Ang lalaking hindi matarok ang kanyang pagnanasa at hindi inaamin ang libog na binubuhay ng libido lamang. Ang lalakeng sabik sa pagmamahal ngunit kahit kailan ay hindi magagawa at matututo na magmahal at mag-alaga sa mamahalin.

 Nagsayaw siya sa iyong harapan. Hindi ko na alam kung sinayawan ka lang niya sa iyong harapan o hanggang sa kama ay sinayawan niya ang iyong pagkakalalake. Nag-isip akong malaki ang posibelidad na kayo ay nagtalik, nagsayaw sa apoy ng libog, libido at tamod sa isang gabi ng katigangan, sa mundo na minsan lamang dadalaw sa iyong buhay. Nagsulat ako ng aking pagkamuhi sa aking imahenasyon, sa aking pagseselos, at sa aking pag-iibig sa lalakeng hindi ko maangkin angkin.

Saturday, September 25, 2010

Lumang Pluma sa Kamay ng Natigang

Isip nga'y di mapakali, aligaga
Nais kumawala sa aking bunbunan
Naghuhumiyaw at nagpapakagaga
Sa galit at gulong napagtatapunan

Kapeng inihandang mainit, mausok
Humalimuyak sa pait, tamis, sarap
Nanlalamig na lamang ngayon sa sulok
Kanyang sarap, di na muling malalanghap

Kending kay tamis, hinubog ng makulay
Pagdaka'y naubos din kanyang linamnam
Dilang humagod, walang hiyang humalay
Lollipop na 'di na maulit makakamkam

Plumang humabi ng magagandang himig
Huminga ng mga damdaming nag-init
Ngayo'y pudpod na't wala na kanyang kisig
Ni kapiranggot ay di na muling sisirit

Pagcintang cininta'y naluma nang cinta
Naglaho na, yapos-yapos na liwanag
Sa kadilima'y tuluyang nang pumunta
Walang cahit 'sang pagyacap ng 'yong cinag

Pagbabagtas ng mga damdaming tigang
Natapos nang tuluyan, nawalang malay
Wala nang pagsasabwata't paglalambing
Laplapan ng mga makatang mahalay

Thursday, September 23, 2010

Patch My Heart with A Cement

A heart made of stone can also be broken.
The front porch of the apartment is made of stone. I admire how strong it was built for safety since I reside in the third floor of the building. Just today, I realize its another purpose- to help me see something other people wouldn't see.

The outermost covering has become brittle because of the rain and the sun. I started peeling it off because I think vandalism is fun at times. I was able to  break it to pieces. The cement has shattered into puzzle pieces. I had fun rearranging the pieces to bring back its original look. I do it everyday when I stay there to smoke.

One morning, I was fixing the puzzle while thinking how my heart has been broken into pieces. I ponder on how a heart could be broken and be healed into whole again. My heart has been broken for a lot of times for years. Even as a child, everyone get their hearts broken. Even a kid whose favorite candy has been taken from him/her, she would cry because of a broken heart. To break a heart is inevitable like death.

A heart can be so strong for all the bruises and challenges it has managed to surpass. But with the rain, turmoil, and all painful emotions, the heart will be brittle and easy to break.

I managed to fix the puzzle on the first layer of the cement of the front porch. It was easy because you just need to follow the lines etched on the top of it and the curves of the sides of each broken pieces. It is just like a puzzle.

Seeing this, I realized how overwhelming it is to bring it back to its original form just by rearranging the pieces and putting them where they should go. Like a broken heart or a broken life. You can fix it. One just have to rearrange the pieces and put things where they should be. A messed up heart is easy to fix. One already knows how it should look like so the pieces could be set in place easily. He/She just needs to follow the curves of the heart.

As overwhelmed as I am, I stared at puzzle I fixed for a long time. There were small pieces of cement left and I don't know where to put them. I think that I just have to blow them away. I also noticed the cracks and the unfilled spaces. Those were not mended like my broken heart or my messed up life.

My heart is easy to mend because I know it is just a part of my life that needs to be fixed. My life is messed up. I just needs some little rearrangements. My heart needs the most attention for it to be fixed. I can live by without it-living heartlessly and empty. But I want to live full, filled with love, and no grudges or broken spaces. I know I can't mend it alone yet anyone can help me heal it if I could or would let them help. Like the cement on the porch that I enjoyed vandalizing, the spaces in my heart will be left unhealed even with the help of others.

The porch can be renovated. Someone can patch it with another layer of cement to cover the broken part. I wonder if there is any cement that can be used to patch the unfilled broken spaces of it.

Can someone hope for a cement to be invented specialized for a broken heart?

The Date

Real friends will stay with you under the pouring rain.
Two days ago, I was walking back to our apartment. It was just an ordinary day from work. I heard a prayer from a church near by and it suddenly touched me. It felt like something has touched my heart to enter a church that has always been there. The voice of a woman, echoing inside and out of the church, was like any other voices that pray yet it has some magic to catch my attention.

Inside was a simple chapel. The pews are not crowded and only few people are standing for the mass. It was a Wednesday morning and most church goers have to face their busy lives. The majority of the people praying inside are mostly adults. I sat at the far side of the chapel beside a lady who prays while her eyes are tightly close. She showed so much devotion with her prayer. Such devotion is a devotion I never had.

I sat there staring at the image of God. For a long time, I stared to His image and talked to God of stories I wasn't able to tell Him. I know that he knows what are the events in my life. But as how I treated him for the long time, I always speak to him like a friend I have not seen for a long time. Then it seems like a coffee break with a dear friend on a quiet garden and just chattering about our own lives, updating each other the emotions and ideas. After sometime, my sleepiness is dragging my eyes down. I decided to go home.

As I walked down the stairs, it felt like there was something I missed to tell Him. I wanted to go back but the Wednesday mass was already starting. I refused to go back because I know I won't be staying as long as the on-going mass. I saw the Adoration Chapel and I thought to myself that it is the best place to speak with Him again.

It is a more quite place to have a chat with Him. There was only one woman there. She was sitting in  front and I know she was reading some sort of Christian prayer guide book. We did not mind each other because we were both there for the same reason or almost the same reason- to speak with God.

Again, I sat for a long time to have the feel of the place. Then I started to pray in my mind. After some minutes, I started crying silently. It was so nice to cry at His shoulders. It is different to be with Him on a silent place. In this busy city, it is difficult to find a place where in I could talk to my creator in silence but a chapel or a church on a weekday where less poeple or the most dedicated church goers are the only human presence there. I did not mind the people. I was there to visit a friend I have missed for a long time now.

Everyday I go to work and go back home. I eat and sleep, do my chores, and live my life as usual everyday. I didn't mind anything for more than 8 months but continue my life each morning until I go back to sleep. I get drunk at times, I go partying, and I would just live undeserving of my Creator's blessings.

I believe that this is the time when He knocks at my heart to show me that I am already forgetting our friendship and our magical momentarily heart-to-hear and soul-to-soul conversations.

Thursday, September 16, 2010

VIII: Libog sa Bukang Liwayway

Gigising sa madaling araw at sabog
Mga imahe sa aking panaginip
Lahat nakakapraning, nakakalibog
Isipang sa kalungkuta'y nahahagip

Mga pangarap na minsan nang binuo
Mabibigyang buhay sa madaling araw
At sa pagmulat ng mata ay guguho
Upang isipa'y tuluyang nang mamanglaw

Hindi na muling makahimbing sa libog
Na binuhay ng pusong di makapalag
Sa hapding hinahatid nitong pagtulog
Sa pangarap nating nawala, nabasag

Ako nga ay minsanan nang  nabubulag
Sa di makatotohanang pagbisita
Ng mga pagnanasang nakahahabag
Sa paggising nakapagpapairita

Ngunit kung sa ganitong paraan lamang
Makamit mga naudlot na ninasa
Paulit ulit na akong manlalamang
Sa paghimbing upang ika'y matamasa

Thursday, September 9, 2010

VI: Pathetic

Etched in my own imagination
His face that can't be drawn by my hands
In my dreams, in times I close my eyes
It has found its perfect place to land

Our memories have lasted for minutes
For his touch that has made perfection
Driving me back to loving him more
Safely finds its endeared emotion

And when the silence suddenly falls
His voice whispers, lingers in my ears
Beautiful sound, sweet and caressing
Echoing, digging in my heart here

My very hopeful and waiting dreams
For his love I desperately wish
With warm welcome for each dear morning
Please come back, let our love replenish

Monday, August 23, 2010

umay

Nanginginig ang aking mga laman
Sa panggigil ng mga damdamin
Para sa sinisintang di malamangan
Sa katotohanan ay di mapaamin

Sa iyo nagkubli ang pusong pagal
Pagmamahal ay minsan nitong nilimot
Sa'yo lang di nakapalag, di tumagal
Ang pagmamatigas na masalimuot

Ngayon ako na nga'y sa'yo natitiklop
Mga bisig mo lamang ang kahinaan
Ng nagngangalit ng mga luhang tutop
Ang iyong lihim na kasinungalingan

Pa'no matahimik ang unos sa dibdib
Kung ikaw'y wala man lang sinasambit
Upang palayain lungkot sa bilibid
Pagkaumay ko ay siya nang sumisirit

Saturday, August 21, 2010

Pota

Nagngangalit ang damdaming nagtyaga
Magmahal at mamayapa sa dibdib
Nitong nanggigil na pangangalaga
Sa nabuhol at naguluhang lubid

Putanginang bumulag sa pag-ibig ka
Na nagpaikot ng mundong humalay
Sa hilaw at murang diwang nagtataka
Sa kagandahan ng bangkang bumabaybay

Putanginang nagpabulag sa bangkero
Na kay tamis ang dila na humahaplos
Sa kwento ay taob ang kalbong barbero
Na kahit pusong nagupitan ay tapos

Putanginang tangang akala ay paslit
Na ang kending tinago ay inaagaw
Ng inggiterang ubod sa pagkayagit
Utak ay pinakulong medyas na sabaw

Potang kwento ng pag-iibigan ito
Gugulo sa mundong akala'y uminog
Sa mga tauhang isa lang ang lito
Puso't diwa, bagang sa yosi nasunog

Sunday, August 15, 2010

Itago Mo Pang Mabuti

Isang pagnanasa ang alamin lahat
Kwento, ideya, lihim at nakaraan
Nakatago man sa ilalim ng balat
Hahalukayin upang ito'y malaman

Sakit, hapdi at lumbay aking nakamit
Sa katotohanang minsan nakakubli
Na minsang sa liham lamang nakakabit
Pagtarak ng punyal sa puso ang sukli

Ngayon ko lamang hindi napaghandaan
'Di rin napansin kahit isang senyales
Imaheng tinago'y aking nasilayan
Mahapdi sa mata ang nakitang pares

Anong magagawa sa 'yong nakaraan
Kung ito'y ituring, ginto bang halaga
Binubuo pa lang 'tong kasalukuyan
Alin kaya ang may higit na alaga

Kasalukuya'y ano naman ang laban
O kailangan pa bang pinag-iisipan
Na may nagaganap na ngang tunggalian
Sa gitna ng panaho't pag-iibigan

Mga katotohanang ibinabaon
Pilit na pumipiglas sa'king harapan
Siguraduhin, maingat mong ikahon
Upang sa sakit, di ako magulantang

'Di naman nasa na ikaw'y lumimot
Nais lamang ng puso ay maramdaman
Ikaw'y lumaya na't di mag-iimbot
Sa katotohanang aking karapatan

I Belong, Not

To the world that always smile when I frown
Never fails to be happy when I'm down
To the world that always in bad timing
When my whole being is not in rhyming

I belong not to your own foolishness
For I am crying with your happiness
And I am sleeping with your excitement
I belong not to your entertainment

I never had a pity for myself
Because I won't let anyone engulf
And grind and play with my greatest insights
Standing beautifully in its own site

I belong, not to your earthly thinking
I'm an indie, by myself blinking
Proud and mighty, I belong not to you
I'm standing where I could see all of you

Wednesday, August 4, 2010

overrated thoughts. tsk.

I stared at nothingness. I was ready to type anything that would pop into my mind. But the words to be arranged into lines to make up stanzas to build the poem for you are not matched for each other. I tried writing them in English for a difference. I tried going back to the vernacular because it feels like I can find the words. I held the thick dictionary you stole from a library and has kept for a long time. I thought it would be of great help. However, my attempts were failures. At the end of an hour or so and after typing some words and lines then I eventually deleted, I came up with nothing. No poem was made. So, I stopped exerting effort. I wouldn't want to make a trying-so-hard poem that would flow aimlessly.

All I wanted is to make a poem for you. A poem where I could show you how happy I am to be with you. A poem that will express how my trust was broken when you deliberately hid a truth from me even though I have lots of evidences. I don't blame you for me being a martyr or for me worrying so much. I blame love- Love that has caused me so much pain and suffering since my awareness of it had arisen. But that same love that I hate is the one that still keeps me alive and staying for undefined reasons, just love. I want to make a poem filled with love and it would be dedicated to you and only to you.

I once made a poem asking if I am going to poetically write about love for the nth time. Now, I ask myself why am I making another piece (of shit) about love and sooner, I fear that I shall delete everything I had typed.

Love has become meaningless before I reached the day I realized that I love you. I thought it was all about sex. Or everything was all about sex and love has been abused for an excuse. I believed that guys give love to get sex and girls give sex to get love. Then you told me that my case is different. My case was I was giving sex to get satisfied. Maybe, just maybe, I was like that before. I explored some guys manhood. Through my exploration, I found no love and had searched deep within the same manhood for the meaning of love. But of course, sex is included. I found nothing but satisfaction of lust and earthly desires. With you, I found the meaning of love with sex. I am not staying with you because of sex and love alone. I am here with you, enduring all weights of the world because I see us together in the far future still in love and would never do anything to ruin a vow.

I think a lot. I worry a lot. I apologize for that. I am just fearful that one day, when I go home from work, a news would shock and kill me. I am fearful of the day or chance that you will force destiny to break up with me.

Perhaps, just perhaps, the price of knowing the meaning of love is the fear of losing it. It is so beautiful that letting it lose is scary.I may also be fearful that I would stop loving again if our love would end. I am afraid that my heart will turn to another worthless stone and die as a worthless being who never learned how to take care of love. Or may also be fearful that I would again explore different kinds of manhood and dry myself from an empty sex. I worry because I fear some thoughts.

If I would go ahead and just type, I would have an endless talk of love and fear. I would just conclude that I love you and will always do.

Sunday, August 1, 2010

Hard at Malboro

Lango sa alak ng pagkakaibigan
Sumasayaw sa hibang na tugtugan
Usok ng sigarilyo'y nagbubugahan
Pawis at lagkit na s'yang napaghaluan

Gabi- gabing nagkakasiyahan
Sa umaga'y tuluyang magsilisan
Hang-over lamang ay mapag-iwanan
Mga kaibigang tunay sa inuman

Ngunit mayron pa bang mapaghigitan
Sa aming samahang di masusukatan
Mga alak at usok sa kasiyahan
Tanging lasenggero ang may kagalakan

Tuesday, July 27, 2010

starbucks

Manunula na naman ba ng pag-ibig?
Hihigop ng kape at sa 'yo'y titig
Usok ibuga, sigarlyong may bisig
Sa diwa't damdaming mayro'ng paghihimig.

Iiyak na naman ba ang mga titik?
Sobrang sakit, sugatang pusong natinik
Mayro'ng paglaya sa kandilang tinirik
Tiwalang tunaw sa pag-ibig na lintik

Sa nanuyong luha ba'y may pagkalaya?
Sa himig ng mga tulang nag-aaya
Limutin ang lungkot, muling sumaya
Ikaw aking irog, mahilig mandaya

Pa'no magtiwala kung ito'y nawasak?
Magpapakalunod sa kape ng starbucks
Tulungang maghilom ang pusong natarak
Ano nga ba sa akin ay binabalak?


Friday, July 2, 2010

~

parang tanga lang
pinipilit na patahanin ang sarili
sino ang gagong gagawa nun mag-isa
parang gago e

Tuesday, June 22, 2010

caged

I tried to reach.
I tried to touch inside.
But there is something there;
It scares me.

Everytime I try,
To reach a part of him
That is secured and cautious,
He rejects me.

There is
A sleeping kitten.
A cautious kitten.
He is freindly but he chooses his friends.
Friends are filtered.

I got the chance,
To get a close encounter.
I am lucky.
I felt lucky.
I
Observe
Enjoy
Love.
But
Everytime I try,
To reach that part of him
That is secured and cautious,
He rejects me.

At far, it is a cute kitten.
I am amazed and mezmerized
that a kitten shall thrive in a man's heart
So soft and cudly.
So sweet and loveable.
I wanted to touch it;
care for it;
love it with all my being.

When I have  I tried,
To reach that part of him
That is secured and cautious,
He rejects me.

The cute little kitten growled at me.
He then turned into a beast.
I have figured out.
He is a pretentious kitten.
He is a Lion.
He is a cautious lion.
He doesn't want to be touched there.
Even if,
He fell in love with me;
He rejects me.

It scared me,
Petrify me into my place.
I know I shouldn't reach out anymore.
I know I shouldn't try to pet him.
But how can I not?
It is so irresistable
When you have fallen in love with it.

For a time, I will leave him alone.
Observe
Enjoy
Love
But still I can't touch that part.

That part,
I know,
It is wounded.
He wanted to cure it alone.
I want to be involve.
Nurse him with care.
Pet him with my touch.
Heal him with my love.
But
He still rejects me.

I am scared.
He petrifies me when he growls.
That Everytime I try,
To reach that very part of him
That is secured and cautious,
He rejects me.

Tuesday, June 1, 2010

Para kay Katrina


Sa konting lakad lamang ay naaabot
Ang isang mundong para lamang sa amin
Naglalaho mga makamundong kirot
Habang mga damdami’y totoo pa rin
Doon sa may Raymundo Gate, may hagdanan
May kasamang coke at ilang stick ng yosi
Konting pagmasid sa mga nagdaraan
Sa diwa naman nami’y magbubusisi
Kakalimot sa mga sakit ng ulo
Sa kalmadong ilog ay magpapaanod
Magpalamig mula sa mundong magulo
Sa katahimka’y kami’y magpalunod
Isang pusang nakahiga sa kandungan
Na nakikinig sa aking mga kwento
Sa akin may tangan na katahimikan
Pagkakaibigang kami ay kuntento
Kung ako ay may naidulot sa kanya
Bagay na hindi ko man lamang mawari
Ngunit sa ngiti n’ya ako ay masaya
At langit ko’y dinalhan ng bahaghari

Tuesday, May 25, 2010

when i was eight


           I was eight years old back then. And the memories are still fresh.
           It is raining very hard. I am with my mother in the middle of the night. We are walking outside under the heavy rain. I am frightened by thunders and lightnings. Each time the lightnings appear and the dark street is lightened, the road looks wicked and the houses make me feels like they are alive and ready to devour our flesh. But these lightnings remained as our only light in this dark wicked street. I am very afraid. I am holding my mother’s hand so tight just like how tight she is holding me. My mother is in rage and it is manifested by the way she held my hand.My hand is trembling, I am cold and afraid. I am not sure if my mother feels it. Everything in sight looks scary and everything I feel is coldness and rage while the rain wet my feet and my tears wet my cheeks.
            As the rain soaks us, my mother cries. Her tears flow with rainwater. Her sobs are underneath the sound of the thunders. Each sob is heavy like the drops of rain on my face as I try to look at my mother's face. These lightnings show me the truth hidden in this dark rainy midnight- my mother's suffering. I think it is a mother’s pain that I could not feel at a very young age. I hope I could do anything to help her. I just do not know how.
            After the long walk at the dark wicked road, we are standing at an old red gate. It is my first time to see this gate. To my young eyes, it is like a monster growling at us and asking us to leave for we have no agenda there. My mother knocked at the gate heavily, courageously. She looks not afraid at the growling old red gate. I could also feel how angry she is. Then after a minute, a dark ugly man hardly opened the gate. He is drunk and stinky like a dog that never experienced a bath for his whole life. I tried to tell my mother I wanted to go home because the man scares me by his looks and smell. I tried to run while holding her hand so tight because I could feel the gate is about to eat us. I can't push any of my wants because I am scared to death and my mother is in rage while she asks for my father on the scary old stinky man.
            Waiting for my father is like a long moment of horror under the rain, thunder and lightnings and in front of the houses and stink of place. Then there’s my father trying to stand straight. He stares at my mother. His eyes are droopy and his face is awful, stressed out and drunk. His stare is filled with statements that I, as a child, cannot decode. Then he looks at me and that strange look made me cry. I don not know why I am frightened with my father. I was more scared to him than the wicked road and houses. No words have been uttered, only tears and sobs went out. I am eight years old. I am here standing with my parents outside the monster, under the heavy rain, thunders, and lightnings, along the wicked road, in a moment of everything is frightening for a child who knows nothing of what is happening. We are soaking in the middle of the night of horror, sadness, and strange look.

Sunday, May 9, 2010

... bakit?

Habang tumatagal, pakaonti ng kaunti ang mga tulang gawa mo na aking binabasa.

Anino ng Nakaraan

Ang anino ng yong nakaraan
May kamay na ayaw na pumiglas
Sa iyong paang sugatan
Ng kahapong ganda'y nalagas

Nakulob ka sa sirang pangarap
Na minsang lumipad ng matayog
Tila 'sang lobo sa alapaap
Lubhang gulat nang ito'y sumabog

Monday, March 15, 2010

isa pa

Muli na namang tumigil ang pagkabuo ng mga salita na dapat gamitin para sa ideyang nasa isip ko. Muli na naman nagtatae ang isipan ko.

Friday, March 5, 2010

pucha! praning!

Wala sa aking isipan
Hindi ko nais maniwala
Sa praning ko nang sarili
Pinilit kong naisin ito

Gago ka!

Nasa loob ng isipan ko
Pagkatakot at pagkaduwag
Paggalang sa 'yong mga gusto
Pagkaduwag sa realidad

Tangina!

Wala sa nasang maniwala
Bakit hayaan na makain
Ng Kapraningang walang kwenta
Walang patunguhang ideya

Bullshit naman!

Hindi ko man kayang tanggapin
Hina ng lalaking tulad mo
Sa mga makamundong bagay
Na aagaw sa 'yo sa akin

'Sang tanga

Ang katangahan ng aking puso            
Ang walang kwentang damdamin ko
Isang umiibig ng lubos
Kapraningang sa kanya lamang


Monday, March 1, 2010

Pagkapigil ng pagnanasa

Gusto kong magsulat ng mga kwento, ng mga tula, ng mga likha na namumula sa puso. Pero sa bawat pagtatangka ay may isang matinding damdaming bumubulag sa akin. Ang damdaming ito ang bumubulag sa akin upang makalimot at hindi makita ang mga titik at pantig na bubuo sa gusto kong maisulat.

Para akong tangang paulit-ulit sa pagtatangka. Hindi ako nawawalan ng pag-uudyok sa sarili upang isiwalat ang damdamin at diwa na palagiang gumugulo sa aking pagkatao.

Madalas ang pag-gising ko sa umaga na puno ng pagnanasang hawakan ang aking bolpen. Kasama nito ang kagustuhan na dumaloy ang mga diwa sa papel na matagal na natuyot sa ideya at puso.Ngunit ang bawat pagnanasa ay puno ng damdamin at nakukubli ang mga salitang akma para rito.

Ang isipan ko ay hindi pa natuyot. Ang puso ko ay hindi kailanman nagtago. Palagi ang pag-agos ng nasa, pag-ibig, damdamin, at dugo ng makatang hindi makatapos ng tula.

tigang (?)

Isulat mo iyong diwa
Hayaan lamang ang pag-agos
Ng isipan upang manawa
Hanggang mapagod at matapos

Isiwalat ang iyong puso
Ipakita lahat ng laman
Kahit na sa iisang bugso
Sa isip makipagsabwatan

'Tong makatang ubod sa tigang
Pilit na pilit sa paglikha
Ng mga tulang malalambing
Nang dahil sa irog ang katha

draft ng pag-ibig

Pag-ibig.

Ano nga ba ang pag-ibig?

Paulit-ulit mong maririnig sa mga nag-iibigan na ang pagpapahayag ng "I Love You" o di kaya ay "Mahal Kita". Ngunit  sa ilang beses umibig ang isang tao ay ilang milyong beses niya rin kayang sabihin ang mga kataga na ito ng pagsuyo.

Sa libro ni Ricky Lee ay tinalakay ang pag-ibig at kung paano uminog ang mundo ng mga tao sa pantasya ng pagmamahal at pag-ibig. Sinubukan nga sa librong ito na ipakita ang kahulugan ng pag-ibig.

Pag-ibig bang maituturing ang pakiramdam na gusto mo siyang makita sa pag-gising mo sa umaga. Pag-ibig ba ang hindi ka makakain, makatulog, at makakilos ng tama dahil iniisip mo ang iyong iniirog. Pag-ibig ba ang pagtitiis sa masalimuot na paghihirap kasama ang nagsasabing mahal ka at mahal mo. Pag-ibig ba ang tila paglipad sa alapaap ng tuwa at pagmamahal kasama ang taong nagdala sa'yo sa langit ng buhay. Paano ba ang pag-ibig.

Tuesday, February 16, 2010

bitter taste of love

i love the every sip of
you, my most love vanilla
that i would always love to drink.
each sip of this coffee is
heaven. that sweet taste is
mouth watering. you don't know,
how much i love to taste
the sweet you, again.


i love the kick of every
gulp, how you have understand the
forgetting i needed for a while.
that bitter taste you cause
in my taste buds is nothing
compared to the relaxing effect
you bring. you are always within reach
and i never want to lose you.


would there be any change
at all?
if i would try to drink those two
at the same time?

Monday, February 15, 2010

diarrhea

Ayoko na.
Titigilan ko na ang pagtapik sa mga letra ng laptop na ito.
Wala rin namang nangyayari sa pulit-ulit na pagtatype
AT PAG-DELETE ko sa mga salita, sa mga pangungusap.
Alam kong gusto kong magsulat.
Hindi ko lang mahanap ang tamang salitang nararapat para sa ideya ko.
Nagtatae na naman ang utak ko.

Sunday, February 14, 2010

first

I just found out that his words are sweet and not obnoxious ...
I discovered how he envelopes those words with care and without harshness...

this is the first poem he sent me..
I am not into poetry but it is so beautiful
and I want the world to see his greatness...


here it goes....



...haiku ay haiku
mangatha ka ng ritmo
lima at pito...
~
...una ay lima
pangalawa ay pito
balik sa una...
~
...tatlong linya lang
hindi maaring dal'wa
hayku ay haiku...
~
...nangangawit na
sa pagbilang ng pantig
para sa himig...
~
...napapaus na
ulitin pang kumanta
nang tugma'y tama
~
...hithit at buga
sa madilim kong lungga
ini-isip ka...
~
...patay at sindi
ang lamparang katabi
parang 'yong ngiti...
~
...haplos ng hangi't
hamog sa hating gabi
'di ka katabi...
~
pangarap ka lang
katha sa aking isip
tunay sa dibdib...
~
...pagal at hapo
isipang bako-bako't
patay na puso...
~
...ngayo'y gigising
matututong mag lambing
tula'y awitin...
~
...tinatahak ko
bulaklaking kalsada
kasama kita...
~
...pangarap dati
ngayon ang halik mo ay
di maitanggi
~
...katha ng buhay
yakap ang nagpatunay
'di mawawalay...