Apoy ang kanyang alindog. Sa iyo ay nakapang-aakit at nakabubuhay. Sa akin ay nagpapamuhi at nakakamatay. |
Nandirito akong walang kapag-a-pag-asa sa aking pagnanasa sa pang-aangkin sa iyo. Iniisip kung paano mo pinapanood ang mainit na paglalaro at pagsasayaw ng isang imahe ng babaeng nakatitig sa iyong pag-titig. Hindi ka na akin at batid kong hindi ka na magiging akin. Kaawa awa ako sa aking sarili dahil alam kong wala akong kahit gasinong karapatang mamuhi sa babaeng hindi ko alam kung paano ka sinasayawan at hinahatak sa pagkalibog.
Sinabi ko sa iyo na ako ang iyong isipin habang ikaw ay lumilipad sa iyong malaswang pangangarap. Ngunit sinagot mo akong hindi mo kinakaya ang alindog na bumabalot sa babaeng hindi ko man lamang maipinta ang mukha. Tanging kurba ng kanyang katawan, nakakalibog na pag-giling sa apoy, at nakapag nanasang two piece ang nabubuhay sa aking imahenasyon at wala sa lugar na pagseselos ng aking puso.
Paano mo kaya siya tinititigan? Iniisip ko ang pagkakaiba ng iyong pagtitig sa akin nung mga panahong ako lang ang sinisinta ng iyong pagsinta at ng iyong pagtitig sa alindog ng haliparot na nagsasayaw sa apoy. Iniisip ko kung paanong nagagawa ng iyong mga mata na haplusin ang kanyang baywang, suso, binti at ang buong katawan ngunit sa iyong pagbabalik, ang mga kamay mo'y hahagod sa aking pagkababae.
Hindi ka natitigang sa kahit na anong damdamin. Puso mo'y lubos na nagagalak sa anumang apo'y na lalaruin at anumang libog na papaikutin sa kamay. Mga ninanasa mo'y walang pag-aalinlangang makakamtan sapagkat kagalingan ng iyong pag-iisip ang umiiral, tamis at pait ng iyong mga katagang inuutal ang nagpapaanod sa lagaslas ng damdamin at libog, at higit sa lahat ay ang awra mong nagsasabi sa kahit na sinong babae na sila ay ligtas sa iyong piling, na sila ay nirerespeto at mamahalin sa sandaling ang iyong mga kamay ay humaplos sa nag-iinit na balat.
Sino ang nakakaawa sa pagitan ng dalawang natigang na mga puso?
Ang babaeng nag-ninilay nilay sa pagkapuot sa imahe ng babaeng nag-aalab sa alindog. Ang babaeng nagngangalit ang damdamin sa pagkarehas mula sa iyong mundog ninanais na muling mabisita. Ang babaeng nagmamahal sa lalaking wala nang nababatid na pagmamahal sa dating minsang pinag-alayan ng mga tula at pag-iirog.
O ang lalakeng nagnanasa sa babaeng mananayaw sa apoy na may kakaibang libog na tangan sa kanyang pagsasayaw. Ang lalaking hindi matarok ang kanyang pagnanasa at hindi inaamin ang libog na binubuhay ng libido lamang. Ang lalakeng sabik sa pagmamahal ngunit kahit kailan ay hindi magagawa at matututo na magmahal at mag-alaga sa mamahalin.
Nagsayaw siya sa iyong harapan. Hindi ko na alam kung sinayawan ka lang niya sa iyong harapan o hanggang sa kama ay sinayawan niya ang iyong pagkakalalake. Nag-isip akong malaki ang posibelidad na kayo ay nagtalik, nagsayaw sa apoy ng libog, libido at tamod sa isang gabi ng katigangan, sa mundo na minsan lamang dadalaw sa iyong buhay. Nagsulat ako ng aking pagkamuhi sa aking imahenasyon, sa aking pagseselos, at sa aking pag-iibig sa lalakeng hindi ko maangkin angkin.
No comments:
Post a Comment