Ano nga ba ang pag-ibig?
Paulit-ulit mong maririnig sa mga nag-iibigan na ang pagpapahayag ng "I Love You" o di kaya ay "Mahal Kita". Ngunit sa ilang beses umibig ang isang tao ay ilang milyong beses niya rin kayang sabihin ang mga kataga na ito ng pagsuyo.
Sa libro ni Ricky Lee ay tinalakay ang pag-ibig at kung paano uminog ang mundo ng mga tao sa pantasya ng pagmamahal at pag-ibig. Sinubukan nga sa librong ito na ipakita ang kahulugan ng pag-ibig.
Pag-ibig bang maituturing ang pakiramdam na gusto mo siyang makita sa pag-gising mo sa umaga. Pag-ibig ba ang hindi ka makakain, makatulog, at makakilos ng tama dahil iniisip mo ang iyong iniirog. Pag-ibig ba ang pagtitiis sa masalimuot na paghihirap kasama ang nagsasabing mahal ka at mahal mo. Pag-ibig ba ang tila paglipad sa alapaap ng tuwa at pagmamahal kasama ang taong nagdala sa'yo sa langit ng buhay. Paano ba ang pag-ibig.
No comments:
Post a Comment