Thursday, October 20, 2011

pula at guhit





nagtatampisaw, gumuguhit
ang linyang itim sa binilog
pulang matinding nag-iinit
pinukaw diwang natutulog


pulang buhok, namulang buhok
nasaksak ng bolo, namula
mariin ang pagkakatusok
ulit ulitin ang paghila


galit na galit ang pagtarak
sa madugong papel ng pluma
sumuka, wagas na pagdahak
damdaming sa dibdib naluma


kahit duguan itong sugat
kailanman, di maghihilom
kung ang pagluha man ay dagat
masayang saktan sa pagtikom


at maglaro sa kaisipan
guhit na talagang malikot
bilugin ang pulang katipan
patuloy sa diwa'y kumamot

Foreplay


I am dreaming
Of the ways I could die

My sanity is beside me
Losing
Breaking
Melting
Then I'm dying...

I am hanging in the bathroom
Neck tied
And in the middle
Of the room
Slowly
I die
Grasping for every breathe
But
Not fighting death
My body fights
But the soul
elopes
with death

I am dreaming
again
and again
Every time that the year ends
Every time that the lonely year ends

I am bleeding
In my room
On my bed
With sheets so red, bloody
Beside me is my sanity
Lacerated my skin

my veins

my soul...
Eloping with death

I am dreaming
repeatedly foreseeing
the death

the excruciating pain
of eloping with death

the ecstasy of happiness
in the height of freedom...
from life's sharp claws

I see me
Innocently walking

Then I am stabbed
With a mighty knife
Shiny knife

Then I am bleeding
And life's last sight of light
Was the red blue sky
On the afternoon that I die

The afternoon
I
successfully
escaped life

I embrace freedom
because death

It is my freedom


~10/21/2011~

Wednesday, October 12, 2011

pagsabog ng libog na diwa


NOTE: ang tulang ito ay para lamang sa malalayang kaisipan. :)

Maraming salamat!

~
buhayin aking libog
hubaran aking diwa

hayaang pagnanasa
maghari at manawa 

lalaban kong bawat halik
dadakutin ang pagsabog
kalayaang kay tagal nang nanabik
nangangalmot sa bubog 

hagurin ng maraming dila
hayaang nang mangamoy

o kay sarap!

ang hiwang tumutula
libog na humihiyaw, nanaghoy

sa sarap ng paglaya
ng diwang ikinubli
sa tigang na panloob


 ~
--10/13/2011 --

sa SAPATOS kung PAG-IBIG ay AKO (ano raw?)


Makatlong beses akong nag-ikot sa tindahan ng sapatos sa isang department store sa Ayala. Pangatlong department store na ito na aking ginalugad para makahanap ng sapatos na sasabay sa lakad ng aking mga paa. Minsan na akong nahumaling sa sapatos at itinigil ko na iyon matagal na. Ngayon, nanunumbalik ang aking kahunghangan sa paglalakad ng napakarami mahanap lang ang sapatos na sukat para sa aking mga paa.

Hinahanap ko ang isang sanaysay na misang isinulat ng aking kaibigan tungkol sa sapatos at pag-ibig. Pinadama niya sa akin kung paanong ang pag-ibig ay tulad ng pagsusuot ng sapatos. Ito ang ilan sa mga ideya ng kanyang sanaysay ayon sa aking pagkakaalala:

1. Matatagpuan mo ang sapatos na pagkaganda ganda ngunit hindi naman kumportable ang iyong mga paa. Masakit ito kapag iyong nilalakad. Tila pag-ibig, gwapo siya o maganda pero hindi ka naman masaya. Okey lamang siyang ipakita sa mundo pero hindi ka talaga masaya na siya ang kasama mo sa pag-ibig.
2. Perpekto ang sapatos at ito ang paborito mo sa lahat ng sapatos na naisuot mo na. Ngunit dahil ito ang parating mong ginagamit, napupudpod na ito. At kahit napupudpod na, masarap pa rin ilakad ang sapatos na ito. Nagagawa mong dalhin ito sa iba't ibang lugar. Hanggang isang araw ay nasira na ito at hindi mo na talaga maaring abusuhin. Wala na, wala na ang sapatos. Parang sa pag-ibig, may kapaguran din kung aabusuhin mo ang paborito mong mangingibig.
3. Sa isang department store ay may nakita kang sapatos. Gustong gusto mo ito dahil eksakto ito sa iyong paa, masarap ilakad nung minsang sinukat mo ito, at gusto gusto mo ang disenyo. Ngunit hindi mo binili sa unang beses na hinaplos mo ito dahil sa pag-aalinlangan- agam agam na baka may makita kang hihigit pa rito. Kaya't pinag-isipan mo nga muna ng isang linggo. Pagbalik mo ay nawala na ang sapatos, iba na ang nakabili. Tila pag-ibig yan, eksakto na ang lahat ng pagkakataon ngunit ang puso mo ay may alinlangan. Kung kailan naisip mo nang kunin, nakuha na pala ng iba.

Ang sapatos, tsinelas o sapin sa paa ang araw araw mong kasama kahit saan ka man magpunta. At sa bawat yapak nito, may dala itong aral o di kaya paghahambing sa pag-ibig at buhay na kapupulutan mo ng mga aral o kahit man lamang magagandang konspeto.

Kung si Rizal ay may anekdota sa kanyang tsinelas. Ako naman ay minsang nagsulat ng ukol sa paghihirap kong makahanap ng sapatos na pinamagatang 81/2. Ang sukat kasi ng aking paa ay minsan8, minsan 8 1/2.  Mahirap makatagpo ang isang sapatos na sakto sa aking paa. Tila isang pag-ibig, mahirap makatagpo ng pag-ibig na aakma sa akin.

Napakaraming oras na ang aking iginugol sa paghahanap ng sapatos. Ngunit hindi naman ako susuko basta ang nais ko lamang ay madadala ako ng aking sapatos sa mga nais kong marating. Nais kong ang aking sapatos ay hindi ako papasakitan sa bawat hakbang ng aking mga paa. Hindi ako mapapagod sa paglakad upang makapili ng sapatos.

At kung sa pag-ibig man ay mapagod na, nais kong kahit man lamang sa mga susunod na sapatos na aking aangkinin ay mapapangiti akong muli sa mga paglakad, mga pag-akyat, mga pagtakbo, at bawat paghakbang ng aking paglalakbay.

MANYIKANG PAPEL


Aking paglaki'y maraming paglalaro
Sa ilalim ng buwa'y tagutaguan
Tayaang may langi't lupang biro-biro
Nagtatampisaw sa pinatak ng ulan

Hindi ako humawak ng mga manyika
Ngiti lamang ay matigas, walang buhay
Kagandahang taglay sa mata'y dalita
Ng batang walang malay nang nahahalay

Ang pagsulat ko'y hugot ng inspirasyon
Mga alon ng pagtibok aanurin
Huhuli ng pantig na may paglalayon
Takbuhan, habulan ng mga damdamin

Walang katiting na nasa ang pumantig
Para lamang tumula ng bahaghari
May sinag na bumubulag, kinikilig
Pagdaka ng nasabik na pagwawari

Baldado nang makatula't makasulat
Isang bersiyon ng manyikang nahubog
Sa makataong damdami'y nasasalat
Hawak ang panulat na gustong sumabog


--09/08/2011--

tsokolate kong sabik sa kahon


mabango ang kahong nagmula sa tate
malaki saking mga paslit na mata
nasa loob ang kay raming tsokolate
gustong gusto ko nang magbukas, ngumata

sa loob kaya ay naroon si mami
pagkasabik at pagtatangis sa kan'ya
tulad ng mga tsoklate'y marami
makasama s'ya ay tunay kong haraya

ang samyo nitong kahon ay natatangi
maraming mga damit, mga laruan
pinaghihirapan ni dadi sa saudi
dito sa ami'y pinagkakaguluhan

mula sa kahon kaya ay bubulaga
si dadi'y nagtatago, bumubungisngis
makasama s'ya, sa aki'y mahalaga
sa muling pagsilay, sya'y aking i-kikiss

sa malaking box magbabahay-bahayan
baka nag-iwan sila rito ng halik
kahit dito sila ay mararamdaman
saking pangarap kami ay hahagikgik

sa pagdating nila ako'y maghihintay
pagkalapag ng kahon ay mag-aasam
sa eroplanong sila sana ang sakay
pauwing pinas, ito'y aking dasal

-- 09 / 24 / 2011 --
salamat sir manny. B)

~



Monday, June 27, 2011

Bago Matuyot ang Aking Pluma

Gusto ko na ulit sumulat.
Nais ko nga ay muling mangatha
Ng mga talinhaga
Sa buhay
Sa pagkakaibigan
Sa pag-ibig

Nais na muling pumintig
Ng mga daliri kong tatakatak
Sa mga letra ng mga himig

Nais ko na muling masambit
Ang mga salitang kakalabit sa puso
Ng mga mambabasang
Ngingiti
Makikiliti
At magagambala
Sa mga ideyolohiyang pang-akin lamang

Nais kong angkinin ang bawat pantig
Na nangungusap sa pagpintig ng aking pusong
Natitigang sa pansin
Ng pag-ibig na nawawalay

Saan ko naman kaya
Huhugutin ang mga damdamin
Titibok sa aking pagtula
Saan ko hahanapin
Ang pagmumulang
Ng mga talinhagang
Sasayaw sa aking mga katha

Hindi pa rin nawawala
Ang pag-asang bukas
Muli akong susulat
Muli ako'y magsisiwalat
Ng mga talinhaga
Ng metaporang babalangkas
Sa aking damdamin

Saturday, June 18, 2011

Sa Bangis ng mga Alon

minsan, ako nga ay umibig, nagsimulang manalinhaga at napasarap sa pagtula. ang sarap nga sa damdamin na malaya akong nakakasulat ng mga pananalinhaga ng pag-ibig at mga damdamin. mahigit isang taon din akong naging masaya, malungkot, at madamdamin dulot ng pananalihaga at pag-ibig. mas madalas na napagharian ako ng pagmamahal. lagi kong nakakalimutan ako ay namumuhi at nasasaktan. dahil lamang sa isang matamis na tinapay o di kaya sa isang magandang ngiti ng aking irog, lahat ng aking galit ay natatabunan ng pagmamahal at pagpapatawad. mahigit sa isang taon akong naging tanga sa pag-ibig na hindi ko man lamang sigurado  kung minsan nga ba ay naging totoo ito.

matapos ang isang malaking dagok na gumising sa aking kahibanggan, pagod na akong manalinhaga. gustong gusto ko ang panunula. isang napagandang pangyayari ng buhay ko ang bawat panahon na makakatapos ako ng tulang inaalay para sa isang minamahal. ang sarap sa pakiramdam na ang bawat pananalinhaga na aking binibitawan ay may damdamin, may laman, at may pinatutunguhan. kasama ng bawat kataga ay damdaming minsang kinimkim at dagling pinasabog.

paanong nasasabi at naitutula ang pagmamahal kung hindi ito nararamdaman? kung ito man ay nararamdaman, bakit hindi makayang panindigan? ano nga ba ang paninidigan? paano mo paninidigan ang dapat mapanindigan? ano ang hindi sumasapat sa pag-ibig na laan para sa isang tao? mayroon bang oras na ako ay humingi ng higit sa aking naibibigay? oras, katotohanan, pagtitiwala-- mas may hihigit pa ba sa simpleng kahilingang ito?

pagod na akong manalinhaga. pagod na akong sa bawat tanong ko ay sasagutin lamang ako ng talinhaga. simple lamang ang hiniling ko ngunit hindi man lamang nakayang ibigay. o baka naman ang simpleng bagay na aking hiniling ay isang kumplikadong bagay at kahit na kailan man ay hindi makayanang magawa.

minsan nga akong umibig at umiibig pa ngunit ako ay pagod na. tao lamang akong napapagod din. tapos na akong manalinhaga at manula. ang sarap ng panunula ay kasing sakit ng pagtarak ng isang daang punyal sa aking puso. ang pag-ibig ay napapalitan ng galit sa bawat katanunggang hindi masagot, sa bawat kasinungalingan pinatotohanan.

walang bakas ng damdamin sa aking paningin. wala akong nilisan dahil ako ang nilisan. ang tanging tinapos ko ay ang pagyurak sa aking pusong nagmamahal. hindi ko ninais na ikaw ay mag-isa. kung muli mong babalikan ang mga pangyayari, ikaw ang humiling na lisanin kita, ikaw ang nais mapag-isa, ikaw ang nagsimula ng pagtatapos.

Saturday, May 21, 2011

I walk dead with the living

This is just a thought I was having while I was walking on the streets of Global City.

Why does life has to be so difficult with me? I feel like I am being locked into some place I always knew, some place that I am familiar with-- his side. I hate myself for always remembering how he looks, how he smiles, how he stares at me, and how he loves me. I want to escape from his trap. I walked because I wanted to see people, to think more of what is going on with my life right now, and to see what I am missing while I am under his spell.

I looked away from the sight of the real estate agents I am seeing. It reminds me of how he is doing at work right now. I begin to hate them. I begin to stare at them with hatred that I never saw in my life. I don't want to hate things but I don't want these things to make me realize that he is far too different from what I have seen for the past year.

I looked away from that thought that I was walking with him before and even from the memory of us having good conversations while having our coffee. I wanted to escape from the memories that are trapping me, keeping me jailed with my love for him. This is because I am blinded when I can really see what is behind those hideous beautiful lying eyes.
I want to forget but how? How am I supposed to teach myself to be back to what I am used to be? I cannot cope with what is real right now. I know that I am a walking living dead amongst the crowd of roaring emotions.

Sunday, April 17, 2011

Isang Daang Tanong, Isang Talinhaga

Talinhagang balot
                 sa aking pagkatao
Pinipilit na ika'y
                 mabigyang sagot
Nginangat at
                sinasagad na bao
Yaong pag-irog mo
                sinta'y hinuhugot

Tamis ng bugtong
               kinayos ng panahon
Lagkit na madikit
               tuluyang maglaon
Kasagutang ninanasang
               maikahon
Sa talihagan sinta
              di makaahon

Bumabayo ka
              sa aking ala-ala
Unti unting dinudurog
              aking diwa
Pait ng katotohanang
              sinasala
Isang daang katanungan
              sana'y manawa



April 14, 2011

pag-ibig, malandi, kabaliwan

1       Kabaliwan kang ibig nang lubos,
2       Wasaking unti unti 'tong diwa,
3       Ulitin masugid na pagpuspos.
4       Sa aking gunita'y manawa;
5       Suyuring mabuti bawat sulok
6       Ng pusong wala sa katinuan,
7       Pagkatong sumabog sa rurok,
8       At isipang lugmok sa kawalan.
9       Sa katahimikang nakakamit,
10     Nangungulila sa muling pagsulpot:
11     Baliw na biglang mangalabit,
12     Saki'y mapusok na pumulupot.
13     Pag-irog na maharot, kay hitad,
14     Sanhi ng lahat ng pagbaliktad.



April 17, 2011

Monday, March 21, 2011

Balik Bisyo


isipang tuyot
diniligan ng luha
nagbunga'y puot

libog ng puso
nagparaos sa panglaw
ganting kay tuso

lunod sa alak
lumalangoy sa pait
hapong halakhak

yosing naupos
nababangag sa usok
buga'y pinuspos

bisyo kong hilig
hayaang mabalikan
muling umibig

Thursday, March 17, 2011

Pintig

Maitatago kaya ng mga palad
Habang ang mga damdami'y nakasalop
Pilit mang pigilin itong paglaladlad
Pusong ikaw lamang mag-isang sumakop

Maililunok kaya ng buong buo
Pait ng pagkamanhid at pagiimbot
Umaapaw na libog at pagluluho
Humihiyaw ng kalungkutan at puot

Matatalisod, matatanga pang muli
Sa uyayi ng pag-ibig, pag-iinit
Pagbuhos, pagsabog habang tumitili
Tumitirik sa sarap na nakakamit

Sunday, February 20, 2011

aal iz well

My mind is like a race again. I wanted to write a lot of things about a lot of things. I have been thinking a lot and now, it made me scared for the future.

"AAL IZ WELL"

Put your hands on your chest. Tap the part where your heart is located. Then say "aal iz well."

That is what i learned from the 3 idiots I watched the other day.

Three Idiots is an Indian film that has a very good humor, excellent story plot and very inspiring characters.The movie started with Farhan, one of the main characters, who abandoned his flight because he got a news that Rancho, his very valuable lost friend, is meeting him and Raju in the International College of Eng'g or I hope that is the meaning of ICE. They both set off to the university tower and met the Silencer, the most competitive student in their batch. Silencer came back for a revenge and wanted to show the 3 idiots how successful he is at the present. On their journey to get Rancho, Farhan told the story about their college life and how Rancho turned it up side down. With this, he showed how Rancho is a very important man.



I guess, Indian really love a great production of singing and dancing including all the costume and a bunch of participating dancer while the character is day dreaming. So classic and much like the Filipino movies.

I love the All is Well line whenever something bad came up. It is really inspiring.

Sunday, February 13, 2011

Today, I move forward.

February 13, 2009

I miss you a lot.

In my desperate hours of missing you, I did a lot of stuff to forget the feeling. I wanted you to be the one, at this time, to ask for my time. I went to Bulacan with my family and had a wild fun morning. After eating with my parents our delicious lunch, I immediately went to Diliman to find the friend who will help me.

Today, I walked a lot. I walked thru the campus of UP Diliman. Then I ate isaw and all other laman loob weird food there. Afterwards, I went to the mall looking for something special. Finally, I stayed for a cup of coffee in Starbucks.

Last year on the same day of February, I walked a lot. I walked thru the campus of UP Los Banos. I prepared myself for a date that was not ours. Afterwards, I went to a grocery store looking for something special and you are the one who is looking for that. After that, I stayed in Dairymoore to grab a cup of coffee with you. You stole me from my date. We talked then finally, we walked thru the campus, our campus.

Everything was in the same routine as last year. It was as if I am reliving the past. At this time, it was a totally different campus of the same university that made us. Today, I looked for something special that is not for me. Last year, it was a bunch of lollipops that was for me.Today, I walked and talked a lot  about all my heart aches with a dependable friend. Last year, I walked and talked a lot about us with you. You were, at that time, was so enthusiastic, sincere and sure of all the good things you wanted for us. I prepared to go out today hoping you will steal me again just like you did last year.

It is saddening that your presence last year is your absolute absence this year.

No one stole me this time. But you stole my soul and my heart when I entrusted them to you. I wish to have them returned for me to heal. Yet I guess, the thief that is you will never be back to make me whole again. I shall be, for the next long years, a broken and incomplete torqued senyorita.

Last year, I opened Valentines day with a smile, with you. I welcome the day of hearts awake and not minding what will happen for the next Valentines.

Now it is different, I will close my eyes at the eve of hearts day hoping that when I wake up, it is already February 15 or 16. You are not with me and I miss you a lot.

I deactivated my previously most active social networking site. I don't want to see how people would be so happy about V day or how excited they are for the over rated V day. For me, starting on the next 30 minutes of my life, Vday and the day before that is just another bitter day I have and I hope to skip for the next long bitter years.

Sigh. Sigh to my heart that has been disturbed for a long time slumber. Sigh for my mind that has been programmed not to give a fuss about this day but your were the karma that made me so excited about this day. Sigh to our plans that is supposedly for our very first year anniversary. Too bad, no more next year. I do not expect anymore that I shall be granted to have you by my side again.

I will have to move on now. I will have to look forward now to another path and journey- the road with your absence.

Sigh, I miss you a lot.

Wednesday, February 9, 2011

Hinamon KIta

Hinamon kita
Manatili sa piling ko
Na mahalin ako
Kahit na
Ako nang isip bata
Ako nang sensitibo, insensitibo
Ako nang sa pagkai'y maarte
Ako nang parating mali mali
Akong nang makulit at selosa
Ako na pinudpod ng rason
Upang iwanan
Huwag nang mahalin

Hinamon kita
Matagal na ba ang panahon
Na minahal nga ba ako?
Nanatili sa aking piling

Tulad ng isip at puso
Ang tulang ito'y walang sukat
Walang ritmo
Walang himig
Wasak

Paano ko iintindihin?
Paano ko maatatagalan?
Walang kwentang tula
Walang pinatutunguhan kundi pasakit
kalungkutan, pagluha

Hinamon lamang naman kita.

Friday, January 7, 2011

Inosente

Sa iyong pagtakbo dito sa lansangan
Pagkainosente sa'yong ngiti'y masdan
Sa paghabol sa jipning aking sinakyan
Itong aking puso sayo'y nagalakan

Rosaryong leeg mo ang pinagsabitan
Inabot sa imahe ng Kamahalan
Dasal mo'y ngiti ang pinanggalingan
Sa yaman ng lansanga'y mabiyayaan

Ikaw na paslit kang pinaglalaruan
Malupit nating lipunan ang kandungan
Inosenteng puso'y sana'y alagaan
Laging ngumiti kahit sa kahirapan

Nagmamahal Kahit Hapo

Doon sa may gate ko s'ya nasisilayan
Nakatanaw nang palagian sa kalye
Nakangiting maganda sa'king pagdaan
Ngiti n'yang aking nabibitbit sa byahe

Sa pag-alis nga, ako ay babatiin
Aking paglakad daw ay paka-ingatan
Minsan rin naman ako ay tatanungin
Pasaan daw ang aking patutunguhan

Nakasabay s'ya sa lakad pauwi
Isang plastik ng barbeque kanyang tangan
Barbequeng kay sarap, san kaya nabili
G'ano kalayo kaya pinagbaybayan

Ginawa n'ya 'to para sa pagmamahal
kahit sa paglakad siya'y mahapo man
Di inalintana kanyang pangangatal
Masaya siya kahit ganoon pa man

Ang tatlong stick ng masarap na barbeque
Para lang sa kanyang nag-iisang apo
Gutom na raw kasi't gusto ng barbeque
Malayo man, naglakad para sa apo

Sa ngiti ni lolang walang kasing tamis
Pagmamahal sa apo'y walang kapantay
Sa kanya nga aking lola ay namimiss
Nangangarap na sana'y di nagkawalay

Malapit nang lumipas ang isang taon
Nang ang aming lola ay biglang lumisan
Sana'y muling maibalik ang kahapon
Maulit na siya'y makita't mahagkan