Thursday, October 20, 2011

pula at guhit





nagtatampisaw, gumuguhit
ang linyang itim sa binilog
pulang matinding nag-iinit
pinukaw diwang natutulog


pulang buhok, namulang buhok
nasaksak ng bolo, namula
mariin ang pagkakatusok
ulit ulitin ang paghila


galit na galit ang pagtarak
sa madugong papel ng pluma
sumuka, wagas na pagdahak
damdaming sa dibdib naluma


kahit duguan itong sugat
kailanman, di maghihilom
kung ang pagluha man ay dagat
masayang saktan sa pagtikom


at maglaro sa kaisipan
guhit na talagang malikot
bilugin ang pulang katipan
patuloy sa diwa'y kumamot

No comments: