Thursday, August 16, 2012

Starbucks

Manunula nga ba muli ang pag-ibig?
Hihigop ng kape at sayo'y titig.
Usok ay ibuga, sa yosing may bisig,
Sa diwa't damdamin mayro'ng paghihimig.

Iiyak na naman itong mga titik.
Lubha ang pasakit sa pusong natinik.
Mayroong paglaya, kandilang tinirik,
Tiwalang natunaw sa pusong nalintik.

Sa nanuyong luha uusbong ang laya.
Sa himig at tinig ng tulang nag-aya;
Limutin ang lungkot, muling sumaya.
Ikaw aking irog, mahilig mandaya.

Pa'no magtiwala kung ito'y nawasak?
Magpapakalunod sa kape ng starbucks.
Tulungang maghilom ang pusong natarak;
Talinhaga sa'kin ang 'yong binabalak.

08/17/12
Revised version http://torquedsenyorita.blogspot.com/2010/07/starbucks.html

No comments: