Saturday, August 25, 2012

Pulubi

 
photo courtesy of http://www.tumblr.com/tagged/pulubi?before=1306484998
Umagang kay ganda ang sikat ng araw
Mayrong naghihintay- daang tutuusin
Sa Kalam  na diwa, buhay niyang halaw
Sakaling magtapos ngayo'y lulubusin

Agahan sa timba, pangako'y dakmain
'Sang tipak ng siopao pilak na makinang
Sikmura'y kukulog, musmos na pinain
Sa tuklaw ng ahas oras ay 'di bilang

Binalot sa gintong ang putik ng palad
Sa bawat pagkagat langit ay linamnam
Dukha ma'y prinisipe- igalang, itulad
Hari ng hagupit sa kalyeng inasam

Tatakbo ang oras hanggang sa mahapo
Piliting mauna sa takbo ng madla
Ang manhid na kalyo ng lipunang gapo
Makapahinga man laya ay itudla

Kumot na kay nipis binalot ay buhay
Sa namamaluktot, lamig di magmaliw
Pagod ma'y mapawi, lungkot ay mawalay
Samyo ng ginhawa saglit na maaliw

Sa muling pagkalam, dapithapong sawi
Napagtagumpayan ang awang sinubok
Manlilimos muli para may pantawid
Sa gabing ang buwan matutuwa sa lugmok

Itong lumang pluma bahagyang may tangis
Pusong inambahan ng lungkot at ngawa
Ang tagasawata nawalan ng bangis

Sa kaunting limos masagip ng tuwa



08/26/12

No comments: