Relative ang sagot sa tanong na yan. Maaring busy ang isang tao na maging abala sa mga bagay na nasa listahan ng priorities niya. Kung wala ka sa priorities niya, huwag mong asahan na sasagot s'ya ng hindi. Kung kasali ka sa mga bagay na pahahalagahan n'ya, hindi s'ya busy para sa'yo.
Maaring nais mo lamang may makausap. Ngunit anong uunahin mo? Ang kausapin ang kaibigan mula sa screen ng telepono mo? O maupo sa lamesa kasama nya? Bigyan sya ng buong atensyon upang kayo ay mag usap at hayaang maging alaala ang bawat segundong lumilipas.
Social media networks has been the easiest way to communicate with our closest friends and family. Pero ito rin ang naglalayo sa iyo sa kominukasyon na hinuhubog mo sa mga taong literal na malapit sa iyo. Akala natin okay na ang araw araw kayong magkausap sa chat or sa text. Pero nalilimutan natin ang tunay na elemnto ng pakikipag usap at pakikipagkapwa tao.
May mga oras na kelangan din nating ibaba ang teleponong yan para sa tunay na pagbuo ng relasyon. Guilty ako dito madalas. But I learn what I had to learn the hard way.
No comments:
Post a Comment