Tuesday, October 13, 2015

SPARE TIme

"Na sa'yo na nga ang spare time ko."

Ang mga salitang naukit sa aking isipan at gumuguhit pa rin sa aking isipan. Nais ko itong kalimutan ngunit sadyang hinihimay ng bawat minuto ang bawat anggulo ng mga nasambit.

Simulan natin sa SPARE TIme

Una, sa salitang SPARE. Sa english dictionary, ang ibig sabihin ng spare ay - kept in reserve, as for possible use; being in excess of present need; or an extra tire for emergency use. 

Hindi ko lubos maisip bakit ako nasa reserve for possible use. Ayaw ko ng reserve lang ako. Yung tipong hahanapin lang ako kapag tapos na ang lahat. Tipong ayaw kong sasabihan ako na - dyan ka lang ha, marami pa akong ibang gagawin at tatapusin ko lang ito. O di kaya, excess lang ang oras na nasakin dahil kailangan lang ngayon. Darating ang panahon na hindi na ako kailangan at wala nang excess. Kailan mawawala ang sobrang oras? At ang pinakahuli, anong life threatening event or emergency mo ang kakailanganin ako. Ito ba 'yung panahong naubusan ka na ng oras maghanap ng babaeng pupuno sa pagiging lalake mo. O ang oras na kakailanganin mo na ng makakasama sa buhay, ngunit dahil nasa SPARE AKO at RESERVE AKO, hindi ka na mahihirapan sa life emergency mo - running out of time. Ako yung inimbak at kakailanganin sa tamang panahon.

Pangalawa, TIME. All caps para intense. Intense naman talaga ang time. 24 hours lang meron tayo sa loob ng pitong araw. Ang 8 hours dyan ay para sa pagtulog at kung gahaman ka sa pagtulog. 8 hours kasi feeling growing kid ka. Isa pang 8 hours dyan ay para sa trabaho. Kailangan mo yan para sa ikabubuhay ng mga nais mong gawin na hindi naman ilalagay sa spare time. Kailangan mong gawin at gusto mong gawin. Mahigit kumulang 4 hours ang kailangan mo para sa pagbyahe. Mabigat ang trapiko ngayon. Kaya ang natitira mong 4 hours ay maaari pang mabawasan. Sabihin natin na may 4 hours ka na nga lang dahil hindi ka natraffic. Sa 4 hours na yan, kailangan mong asikasuhin ang iyong sarili, gawin ang mga bagay na nasa bucket list mo. Limang beses itong mangyayari sa isang linggo. Pagdating sa weekend, may mga bagay ka pa rin na nasa priorities mo. So, may spare time kang mga 5 hours para ilaan sa akin. Yun ay kung magkaroon ng pagkakataon. 

Ang oras ay walang spare, walang excess. Eksakto ang bawat segundo, minuto, at oras.

Hindi ibibigay ng oras ang lahat ng kailangan mo. Ang lahat ng kailangan mo ang bibigyan mo ng oras. Kung may spare time ka sa 24 hours, anong halaga o pangangailangan mo dito? Kung may spare time ka, bakit hindi mo gawin eksakto ang oras mo sa mga bagay o tao na may halaga sa'yo. Dahil kung spare lang yan, maari mo naman itapon na lang yan. Ngunit eksakto nga ang oras, gamitin mo na lang sa priorities mo.

Hindi ko hinihiling o hihingilin na maging top priority mo o 'di kaya ay bigyan ako ng 2 o higit pang oras mo kada araw. Ang sana lang ay hindi ko maramdaman na nanglilimos ako sa SPARE TIme.

No comments: