Friday, March 16, 2012

[P]ir[A]son[G] n[A]ka[S]il[A]y

kung muling dadaloy
manumbalik kaya
pusong may panaghoy
ibig nga'y paglaya

marahang pagpukaw
sa pusong nahimlay
halik ng pagtanaw
yakap ang pagsilay

ang hungkag na puso
natigang na libog
nitong musang tuso
tulungang tumibok

mga talinhaga
tula ang ihandog
tamis ng pagdaka
pag-ibig ang tugtog        




//12-16-2011//

Mandaragit

Ikaw nga ay sakim aking mangingibig
Naghihintay lamang sa'king kahinaan
Masugid mag-abang sa puso kong sabik
Ang iyong karimlan sa akin ilaan

Ikaw ay matindi, lasong nanunuot
Diwang kinikitil, inalay ay tula
Tumatagas tagas siniksik mong puot
Mula sa pag-irog, galit ang pinunla

Ikaw rin ang uod sa bulok kong sugat
Paglamon, paggayat, busog sa'king laman
Pagdurusa'y pino ang kurot sa ugat
Dugong idinahak, sa iyo ay yaman

Iyong ala-ala saki'y nakatarak
Diniin sa pusong dagta ay malagkit
Bawat mapulsuhan iyong winawarak
Iyong inaangkin, ako ang dinagit

Kung magbigay lunas ang 'yong pag-aangkin
Ahas na alindog, kamandag sa tuklaw
Ariin mong buo, tuluyan nang dakpin
Palayain ako sa'king pagkapanglaw









Written: December 24, 2011
//habang ang pag-ibig ay nanatiling hawla ng aking puso//

Resurrection

So empty and shallow
Embrace that lingers
Kisses in the shadow
Of your lips and fingers  

The long awaited peace
In the arms of my dear
The sweet touches I miss
Took away all my fear

Are we back to our lies?
Blinded by fancy talks
Our great rhythms that flies
The poetry that mocks

I try to stand so tall
My grace you tried to steal
My resistance to fall
Has taken all that's real

Still water was disturbed
I fancy you again
All hatred was absorbed
My acceptance began

Now, emptiness is filled
I long for more and more
Hopeful for love to lead
Our poems will never sore



//December 2011//