Gusto ko na ulit sumulat.
Nais ko nga ay muling mangatha
Ng mga talinhaga
Sa buhay
Sa pagkakaibigan
Sa pag-ibig
Nais na muling pumintig
Ng mga daliri kong tatakatak
Sa mga letra ng mga himig
Nais ko na muling masambit
Ang mga salitang kakalabit sa puso
Ng mga mambabasang
Ngingiti
Makikiliti
At magagambala
Sa mga ideyolohiyang pang-akin lamang
Nais kong angkinin ang bawat pantig
Na nangungusap sa pagpintig ng aking pusong
Natitigang sa pansin
Ng pag-ibig na nawawalay
Saan ko naman kaya
Huhugutin ang mga damdamin
Titibok sa aking pagtula
Saan ko hahanapin
Ang pagmumulang
Ng mga talinhagang
Sasayaw sa aking mga katha
Hindi pa rin nawawala
Ang pag-asang bukas
Muli akong susulat
Muli ako'y magsisiwalat
Ng mga talinhaga
Ng metaporang babalangkas
Sa aking damdamin
Ang hindi mabigkas na damdamin ay mananataling nakahawla sa puso at diwang nais na masambit ng isipan. Sa talinhaga na lamang mananahan ang mga kasabwat na emosyong nagpupumiglas para sa kalayaan.
Monday, June 27, 2011
Saturday, June 18, 2011
Sa Bangis ng mga Alon
minsan, ako nga ay umibig, nagsimulang manalinhaga at napasarap sa pagtula. ang sarap nga sa damdamin na malaya akong nakakasulat ng mga pananalinhaga ng pag-ibig at mga damdamin. mahigit isang taon din akong naging masaya, malungkot, at madamdamin dulot ng pananalihaga at pag-ibig. mas madalas na napagharian ako ng pagmamahal. lagi kong nakakalimutan ako ay namumuhi at nasasaktan. dahil lamang sa isang matamis na tinapay o di kaya sa isang magandang ngiti ng aking irog, lahat ng aking galit ay natatabunan ng pagmamahal at pagpapatawad. mahigit sa isang taon akong naging tanga sa pag-ibig na hindi ko man lamang sigurado kung minsan nga ba ay naging totoo ito.
matapos ang isang malaking dagok na gumising sa aking kahibanggan, pagod na akong manalinhaga. gustong gusto ko ang panunula. isang napagandang pangyayari ng buhay ko ang bawat panahon na makakatapos ako ng tulang inaalay para sa isang minamahal. ang sarap sa pakiramdam na ang bawat pananalinhaga na aking binibitawan ay may damdamin, may laman, at may pinatutunguhan. kasama ng bawat kataga ay damdaming minsang kinimkim at dagling pinasabog.
paanong nasasabi at naitutula ang pagmamahal kung hindi ito nararamdaman? kung ito man ay nararamdaman, bakit hindi makayang panindigan? ano nga ba ang paninidigan? paano mo paninidigan ang dapat mapanindigan? ano ang hindi sumasapat sa pag-ibig na laan para sa isang tao? mayroon bang oras na ako ay humingi ng higit sa aking naibibigay? oras, katotohanan, pagtitiwala-- mas may hihigit pa ba sa simpleng kahilingang ito?
pagod na akong manalinhaga. pagod na akong sa bawat tanong ko ay sasagutin lamang ako ng talinhaga. simple lamang ang hiniling ko ngunit hindi man lamang nakayang ibigay. o baka naman ang simpleng bagay na aking hiniling ay isang kumplikadong bagay at kahit na kailan man ay hindi makayanang magawa.
minsan nga akong umibig at umiibig pa ngunit ako ay pagod na. tao lamang akong napapagod din. tapos na akong manalinhaga at manula. ang sarap ng panunula ay kasing sakit ng pagtarak ng isang daang punyal sa aking puso. ang pag-ibig ay napapalitan ng galit sa bawat katanunggang hindi masagot, sa bawat kasinungalingan pinatotohanan.
walang bakas ng damdamin sa aking paningin. wala akong nilisan dahil ako ang nilisan. ang tanging tinapos ko ay ang pagyurak sa aking pusong nagmamahal. hindi ko ninais na ikaw ay mag-isa. kung muli mong babalikan ang mga pangyayari, ikaw ang humiling na lisanin kita, ikaw ang nais mapag-isa, ikaw ang nagsimula ng pagtatapos.

Subscribe to:
Posts (Atom)