Talinhagang balot
sa aking pagkatao
Pinipilit na ika'y
mabigyang sagot
Nginangat at
sinasagad na bao
Yaong pag-irog mo
sinta'y hinuhugot
Tamis ng bugtong
kinayos ng panahon
Lagkit na madikit
tuluyang maglaon
Kasagutang ninanasang
maikahon
Sa talihagan sinta
di makaahon
Bumabayo ka
sa aking ala-ala
Unti unting dinudurog
aking diwa
Pait ng katotohanang
sinasala
Isang daang katanungan
sana'y manawa
April 14, 2011
Ang hindi mabigkas na damdamin ay mananataling nakahawla sa puso at diwang nais na masambit ng isipan. Sa talinhaga na lamang mananahan ang mga kasabwat na emosyong nagpupumiglas para sa kalayaan.
Sunday, April 17, 2011
pag-ibig, malandi, kabaliwan
1 Kabaliwan kang ibig nang lubos,
2 Wasaking unti unti 'tong diwa,
3 Ulitin masugid na pagpuspos.
4 Sa aking gunita'y manawa;
5 Suyuring mabuti bawat sulok
6 Ng pusong wala sa katinuan,
7 Pagkatong sumabog sa rurok,
8 At isipang lugmok sa kawalan.
9 Sa katahimikang nakakamit,
10 Nangungulila sa muling pagsulpot:
11 Baliw na biglang mangalabit,
12 Saki'y mapusok na pumulupot.
13 Pag-irog na maharot, kay hitad,
14 Sanhi ng lahat ng pagbaliktad.
April 17, 2011
2 Wasaking unti unti 'tong diwa,
3 Ulitin masugid na pagpuspos.
4 Sa aking gunita'y manawa;
5 Suyuring mabuti bawat sulok
6 Ng pusong wala sa katinuan,
7 Pagkatong sumabog sa rurok,
8 At isipang lugmok sa kawalan.
9 Sa katahimikang nakakamit,
10 Nangungulila sa muling pagsulpot:
11 Baliw na biglang mangalabit,
12 Saki'y mapusok na pumulupot.
13 Pag-irog na maharot, kay hitad,
14 Sanhi ng lahat ng pagbaliktad.
April 17, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)